top of page
Search
Writer's pictureRomilyn Balbieran

'Yabang Pa More

Two things that can surely make me laugh:

  1. Epic things that children do and say.

  2. 'Yung mga taong nagyayabang tapos di nila alam na yung niyayabangan nila mas mayaman o mas matalino pa kaysa sa kanila. Tapos, yung mas mayaman o mas matalino, quiet lang.


Imagine the humor in the scenario.


Pride is truly foolish.

Bukod sa kahambugan, paano ba malalaman kung may pride sa puso ng tao?


No one can tell it anything;

it refuses all correction.

It does not trust in the Lord

or draw near to its God.

Zepaniah 3:2


  1. No one can tell it anything. Hindi nakikinig. It doesn't matter who's speaking; a person whose heart is with pride won't listen.

  2. It refuses all correction. Ayaw nagpapatama. Kahit ikakabuti niya yung sinasabi, wala siyang pakielam. Madalas, nagagalit pa nga.

  3. It does not trust in the Lord. Hindi nagtitiwala sa Diyos. Kaysa umasa sa Diyos, pipilitin niya gawin lahat sa sarili niyang lakas, gagawin niya kung anong plano niya.

  4. Does not draw near to God. Hindi lumalapit sa Diyos. Para sa taong may pride sa puso, ang lumapit sa Diyos ay nangangahulugan ng kahinaan.


Sa tingin ko lahat tayo, guilty.



Isang malaking problema talaga sa puso ng tao ang pride.



Sa kabilang banda, hindi kahit kailanman nakitaan ng pride si Jesus. Kahit na lahat ay Kanya at napakatindi ng kapangyarihan Niya, He did not come in extravagance done in fancy announcement; He came as a gentle baby. Isaiah 42 describes such gentleness to the point that it won't break a bruised reed.



Grabe ang example ng pagpapakumbaba na pinakita ni Jesus sa atin.



This same baby grew up to do mind-blowing miracles and eventually conquered death through His resurrection.



Ang minaliit din na si Jesus na sabing anak lang ng karpintero ang in-charge sa katapusan ng mundo.


“That terrible day of the Lord is near.

Swiftly it comes—

a day of bitter tears,

a day when even strong men will cry out.

Zephaniah 1:14


'Yung baby na minsang umiyak ang in-charge sa araw na iiyak maski mga maskulado dahil matindi ang paghuhukom na magaganap.


Ito pa ang sabi ng Revelation 17:14,


"Together they will go to war against the Lamb, but the Lamb will defeat them because he is Lord of all lords and King of all kings. And his called and chosen and faithful ones will be with him.”


Sa katapusan ng mundo, matatalo ni Jesus ang lahat ng kasamaan.


Lord of all lords.


King of all kings.


WOWWWWWW!


Name it! Destruction ba? Kaligtasan? Jesus is sovereign over everything pero kahit katiting na yabang, wala.



Gusto ng Diyos na maging mapagpakumbaba din tayo.



Hindi kawalan sa tao ang aminin na hindi siya magaling o hindi niya kaya. Magmumuka lang siyang katawa-tawa at nakakaawa kapag nagyayabang.


Simple lang ang gusto ng Diyos:


Seek the Lord, all who are humble,

and follow his commands.

Seek to do what is right

and to live humbly.

Perhaps even yet the Lord will protect you—

protect you from his anger on that day of destruction.

Zephaniah 2:3



Magpakumbaba sa ating mga kasalanan. Laging umasa sa kakayahan ng Diyos. Sumunod sa kalooban Niya. Mamuhay nang may kababaang-loob. Hanapin at gawin kung anong tama.



Ang pangako Niya ay proteksyon sa araw ng paghuhukom. Ibig sabihin, kung magpapakumbaba lang tayo, hindi na tayo mapaparusahan pa. Nagkamali man dati, basta lumapit at magsisi, mapapatawad na.


Ito pa ang pangako ng Diyos sa mga taong magpapakumbaba:


Those who are left will be the lowly and humble,

for it is they who trust in the name of the Lord.

Zephaniah 3:12



Sa araw na lahat ay wawasakin ng Diyos dahil sa kasalanan, mananatili ang mga mapagpakumbaba. Ang may kababang loob kasi ay nagtitiwala sa Diyos.


Walang maidudulot na mabuti ang kayabangan. Nakakatawa na, paparusahan pa.



Prayer: Lord, forgive us in times of our prideful foolishness. Help us grow in humility. Help us to be more like Your Son Jesus. Amen.

17 views0 comments

Comments


bottom of page